Ulan

Umuulan. Naiisip kita
Naiisip ko ang iyong mga mata.
Matang kapag ako’y tinitignan
Pakiramdam ko’y ako lang ang mahalaga.

Pagsamo

Nalulunod ako sa iyong mga matang
Sinlalim ng karagatan

Tinatangay ng bawat paghampas
Ng mga along marahas