Ulan

Umuulan. Naiisip kita
Naiisip ko ang iyong mga mata.
Matang kapag ako’y tinitignan
Pakiramdam ko’y ako lang ang mahalaga.

Umuulan. Naririnig kita.
Naririnig ko ang tinig mong tila musika.
Tinig na kapag pangalan ko’y inusal
Tila panalangin sa Poong mahal.

Umuulan. Nadarama kita.
Nadarama ko ang iyong yakap.
Yakap na lagi kong hinahanap-hanap
Sa iyong bisig, kaya kong harapin lahat.

Umuulan. Naalala kita.
Naalala ko lahat
Lahat ng pangakong iyong binitawan
Sumpaang mamahalin magpakailanman.

Umuulan. Hinahanap kita.
Nasaan ka na sinta?
Patuloy pa rin bang aasa
Ako’y babalikan at mamahalin pa?

Ula’y patapos na
Pero luha sa aking mga mata’y
Patuloy pa rin sa pag-agos.
Paghihirap kaya’y kailan matatapos?

Tumila na ang ulan,
Wala ka pa sinta.
Puso kong naghihinagpis
Minamahal ka pa rin ng labis.

– Painting “Rainy Day – Woman Of New York” by Emerico Imre Toth
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s